In the pool of people's names, my name Kei is often the shortest and simplest. "Not Just A Letter" emphasizes that my persona, in contrast to the letter "k" hinted by my name, is neither typical nor ordinary. There are exciting (and sometimes out of this world) twists and turns in who I am and what I do. I hope you follow my journey in illustrating myself using an electrifying medley of letters (and a keyboard) as my tool.

Tuesday, February 12, 2008

kerengkeng ka ba?

This must be the funniest test ever! I actually discovered this test a long time ago. When I took it, I ended up laughing. A LOT. AS IN A LOT. HAHAHAHA... How it was expressed was the funniest part. MEDYO malaswa nga lang... read at your own risk... LOL
*BTW I edited the layout of my blog... hope you like it... i also aded a cbox... haha... after 10 years nagets ko na din kung pano ilagay*

Kerengkeng ka ba?
(I put in bold the pinakamalasawang/funniest parts for emphasis... bwahahahaha!)

1. May nakita kang isang tao na sa tingin mo ay sobrang gwapo/ganda sa loob ng 7-11. Ano ang gagawin mo?

a. Magbubuntong-hininga at aasa na sana makita mo syang muli.
b. Susundan mo sya sa bawat sulok ng tindahan at pag napansin, kunyari naglalaro ka ng piko.
c. Kunyari mabubunggo mo sya ng di sadya, sabay flash ng close-up smile mo.
d. Lalapitan at sasabihin, "Hi Baby, gusto ko nang magka-anak!"

2. Naging single ulit yung friend mo na matagal mo nang pinag-nanasahan. Tatawag ka ba upang:
a. Mangamusta lang. After all, baka broken-hearted pa sya.
b. Imbitahin sya casually to go to a movie.
c. Makipag-SOP. Syempre hindi ka magpapakilala at iibahin mo boses mo. (SOP? GETS?)
d. Yayain sya to drop by your place, tapos pagdating nya, you'll answer the door wearing only your underwear.

3. Pumunta ka sa isang pool party kung san parang wala kang kakilala kundi yung host. Ikaw ba ay:

a. Pasimpleng pupunta sa buffet table at kukuha ng pagkain... aba minsan lang to.
b. Mag-iikot at maghahanap ng kakilala, kahit pa yung barbero nyo sa kanto.
c. Maghahanap ng cute at magsasabing, "Hey, you look familiar! Kumusta ka na?" Kahit pa obvious na di kayo magkakilala. Tapos pa-cute to the max ka na.
d. Pupunta sa may pool and loudly exclaim, "Guess who's about to go skinny-dipping!"

4. Sabado ng gabi, ano ang gagawin mo?

a. Sa bahay lang at mag-gagantsilyo.
b. Mag-aaya ng mga kaibigan para manuod ng "Talong" at "Monay" sa video.
c. Maghahanap ng party o gimik na mapupuntahan, at doon magpapa-cute.
d. Syempre I have a date! Nakahanda na din ang VIP card ko sa Anito.

5. Ano ang favorite mong pickup line?
a. Wala. Demure ako kahit t-back suot ko.
b. "Hi, I'm {name}. What's yours?" Limang minuto kong prinactice 'to at baka magkamali ako.
c. "Hi, my name is {name}, how do you like me so far?"
d. "Hi, my name's {name}. You might want to remember it now, because you'll be screaming it later!"

6. Ano ang pinakamapang-akit na paraan upang gamitin ang labi?
a. Sa tahimik na paghigop sa straw pero with feelings.
b. Sa mapanghalinang ngiti with matching pout ng lips.
c. Sa paghalik sa pisngi na may konting init ng hininga (siguruhing bagong sipilyo.)
d. Sa pagdila ng gatas sa labi, with matching beautiful eyes.

7. Ano ang malamang na susuutin mo sa isang first date:
a. Wish ko lang magka-date nga ako.
b. Pwede na jeans at shirt, buksan ko na lang yung top-most button.
c. For guys: tight leather pants at sleeveless shirt, sayang naman pagji-gym ko if I won't show off my muscles. For girls: micro-mini, high heels, tank-top, at malalagkit na mga tingin.
d. Sobrang hapit na damit, yung tipong hindi ka na makahinga. Tutal di mo naman susuutin ito ng matagal dahil mas mahaba ang panahon na wala kayong saplot.

8. Yumayakap ka ba sa mga kaibigan mo?
a. Que Barbaridad! Hindi noh!
b. Oo, pero di madalas. Pag matagal lang kaming hindi nagkita.
c. Pag cute lang.
d. Lagi. Syempre may kasama ng tsansing yun.

9. Alin dito ang nagawa mo na sa crush mo?
a. Managinip ng gising tungkol sa kanya.
b. Isulat ng paulit-ulit ang pangalan nya sa papel.
c. Isulat ang pangalan mo ng paulit-ulit pero apelyido nya ang gamit.
d. Magsulat ng mga pangalang iimbitahin mo sa kasal nyo.

10. Nag out of town kayo ng mga kabarkada at ikaw lang ang nag-iisang babae/lalaki. Saan ka matutulog?
a. Sa ibang kwarto.
b. Sa ibang kwarto pero iiwanang bukas ang pinto.
c. Tatabi sa kanila sa kama.
d. I'm shy eh. Sa kotse na lang kasama yung matipunong driver. Basta driver, sweet lover!

11. Sa job interview, ano ang isasagot mo sa tanong na "what are your weaknesses?"
a. "Flease, can you refeat the question again once more from the top?"
b. "My left arm. They always feel weak."
c. "Cute and chinito guys like you! Gosh!!!"
d. "Why don't you come to my place and find out for yourself? I can make YOUR knees feel weak."

12. Paano ka sumagot ng telepono?
a. "Hilo?"
b. "Haller?"
c. In your sexiest bedroom voice, "Heh-low?"
d. Answering machine... "I'm taking a hot shower, all wet and soapy. Leave a message or come to me." Beep!

13. If you were an animal, anong hayop ka kaya?
a. kuting - meow, playful lang ako.
b. aso - nangangagat ako!
c. lion - nangangain ako!
d. kabayo - sakay na!

14. Alin sa mga famous movie lines ka nakaka-relate?
a. "Ayoko ng first love, kase kung may first, eh di may second, may third... ang gusto ko MY ONLY LOVE." - Sharon Cuneta in "My Only Love"
b. "Enteng, kung anakan mo na lang kaya ako?" - Sharon Cuneta in "Kung Ako Na Lang Sana"
c. "Ikaw na lang ang maganda, ikaw ang matalino, ikaw ang mahal ni Itay. Malandi! Haliparot! Inagaw mo ang lahat sa akin, laaahhhaaat!!! - Maricel Soriano in "Inagaw Mo ang Lahat Sa Akin" d. "Para kang isang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!" - Vilma Santos in "Palimos Ng Pag-Ibig"

15. Aling pelikula ang pinaka-angkop sa buhay mo?
a. Sister Stella L
b. Temptation Island
c. Curacha. Ang Babaeng Walang Pahinga.
d. Xerex Xaviera, The Film

16 Kung ikaw ang magiging 8th dwarf ni Snow White, malamang ikaw si:
a. dorky
b. cuddly
c. flirty
d. horny

17. Sa alumni homecoming party nyo, nakasabay mo yung long-time crush mo sa buffet table. Ano ang gagawin mo?
a. Tatakpan mo mukha mo ng plato, para di ka nya makita.
b. Smile lang and say, "Uy long time no see." Sabay kilig deep inside.
c. Kukuha ka ng hotdog-on-a-stick at kakainin mo 'to sa harap nya as teasingly and provocatively as yuo can.
d. Sasabihin mo sa kanya, "Hi. Ubos na pala yung cake. Pwedeng ikaw na lang dessert ko?" (the best pickupline ever! LOL!)

18. May nakita kang nananilip sa bintana ng banyo nyo habang naliligo ka. Anong gagawin mo?
a. Sisigaw ng "Tulong, may manyak!!!"
b. Bubulong ng "Tulong, may manyak!" para walang makarinig.
c. Sasayaw ng "Oops! I Did It Again!" habang naliligo. Since may audience ka, why not show off your talent?
d. Sasabihin sa naninilip na, "Ikaw lang ba mag-isa? Call your friends, the more the merrier!"

19. Kung isa kang pagkain, malamang ikaw ay:
a. Butterfinger - "Nobody better lay a finger on my Butterfinger."
b. KFC - "Finger-lickin' good!"
c. Oreo - "Twist, lick, dunk."
d. M&Ms - "Melts in your mouth, not in you hand!"

20. Bonus question: Kung ikaw ay pasaway na tagalog film, ano kaya ang pamagat mo?
a. Doggy at Pussy: Mga Alagang Pasaway (Animated film ito tungkol sa mga aso't pusa)
b. Amazona at ang Gubat ng Ligaya (Action-Adventure film ito)
c. Manananggal ng Lakas (Shake Rattle and Roll Part 7)
d. Ang Tikoy Matigas Na (Mano Po Part 4)

SCORING SYSTEM:
a = 1 point b = 2 pointsc = 3 points d = 4 points

20 to 34 points = Manang/Manong Kung babae ka, ikaw ang totoong halimbawa ng dalagang pilipina. Kung lalaki ka naman, pare kawawa ka naman, we need to find you a date. Isa kang hopeless romantic waiting for your one true love. Malamang tumanda kang binata/dalaga, tsaka mo pagsisisihan na sana kumerengkeng ka nung bata-bata ka pa. Pero sabi nga nila, yang mga manong/manang-types, yan ang mga nasa loob ang kulo. Kaya magpakatotoo ka, drink Sprite!
35 to 49 points = Kikay ("Kikoy" for guys?) Medyo ngayon ka pa lang natututong lumandi. Maharot ka pa lang at hindi pa full-blown haliparot. Mahiyain ka pa ng konti at di mo pa gaanong kabisado ang tamang "moves" pagdating sa flirting, kaya madalas pang sumasablay ang mga hirit mo. Pero you're starting to discover your sexy confidence, and learning how to make a hot impression. Baka wala ka ng regalo from Santa this Christmas, kasi you're turning from nice to naughty, nyahaha!

50 to 64 points = Kerengkeng Isa kang tunay na landutay. You're a tease, at mahilig kang makipag-flirt sa members of the opposite sex (o kahit members of the same sex.) Hindi sayo pinapakilala ng mga kaibigan mo ang mga syota nila kasi nilalandi mo lang, pero hindi mo naman inaagaw. Mostly hanggang naughty fun ka lang, alam mo pa din ang limitations mo sa pakikipaglandian... huwag ka lang malalasing.

65 to 80 points = Dyosa(for girls)/Machete(for guys) Maaari kang bigyan ng haliparot-of-the-year award. Isa kang totoong sex god/goddess. Yo know what you want and you go for it, wala ng kiyeme. Idol mo si Samantha Jones ng "Sex and the City." Walang makahindi sayo dahil kadalasan, naka-posas na sila bago pa man din nila malaman ang totoong hangarin mo. Maaaring nasa bilibid o koreksyunal ka na ngayon sa kasong exhibitionism, voyeurism, o acts of lasciviousness. Sa elementarya pa lang ay na-principal ka na sa kasong public display of affection.

I'm in the last group, of course... muhahaha.... joke.... hope you had fun. :D